Exhibit ng iba't ibang imahe ng Mahal na Birhen Maria. |
Bilang bahagi ng selebrasyon ng Buwan ng Santo Rosary (Month of the Holy Rosary), pinsinayaan noong October 1 ang isang Marian Exhibit na isinagawa ng Joseph Marello Youth (JMY), ang pangunahing organisasyon ng binubuo ng iba’t ibang grupo ng kabataan sa Parokya ng Ibaan.
Bago pa man ito, nagkaroon muna ng prusisyon sa karangalan ng Mahal na Birhen Maria, September 30 ng hapon. Nagsimula ang prusiyon sa tahanan ng Punong Bayan ng Ibaan na si Danny Toreja. Matatandaan na nag-donate ang pamilya Toreja sa Parokya ng isang bago at malaking imahe ng Our Lady of Manaog na nililok pa sa Bataan sa loob ng ilang buwan. Ang nasabing imahe ang siyang pangunahing itinanghal sa nasabing prusisyon, kasama ang iba pang mga imahe ng Mahal na Birhen Maria na dala-dala ng mga partisipante sa prusisyon.
Matapos ang prusisyon, nagkaroon ng pagbabasbas ng mga imahe sa pangunguna ni Fr. Arnel Hosena at iba pang mga pari sa Parokya ni Santiago. Sinundan naman ito ng pagdarasal ng Santo Rosaryo.
Sa pamamagitan ng Joseph Marello Youth, isinagawa ang isang animation. Gamit ang mga kandila, inihilera ang mga ito sa harapan ng simbahan upang makabuo ng imahe ng isang higanteng Santo Rosaryo. At sa pagtatapos ng pagdarasal ng Santo Rosaryo, naghandog naman ng ilang mga sayaw ang mga kabataan bilang papuri at parangal sa Mahal Na Birhen Maria.
Kinabukasan, October 1, opisyal na ngang pinasinayaan at binuksan sa publiko ang Marian Exhibit. Itinampok dito ang may halos 80 imahe ng Mahal Na Birhen Maria mula sa chapel ng iba’t ibang barangay. Nakibahagi din ang mga pribadong indibidwal na nagpahiram ng kanilang mga imahe. Isinama na rin nasabing exhibit ang mga larawan ng Mahal Na Birhen Maria na kinikilala sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Ganun din, ipinakita rin sa exhibit ang ilan sa mga kagamitan tulad ng mga damit o kapa na ginagamit ng mga imahe sa tuwing magkakaroon ng mga oksayon ang simbahan.
Imahe ng Birhen ng Manaoag. |
Lubos naman ang pagkamangha ng mga Ibaeno na bumisita sa Marian Exhibit. Para sa kanila, isa itong pambihirang pagkakataon na makita at matunghayan ang napakaraming imahe ng Mahal Na Birhen Maria sa bayan ng Ibaan. Isa na rin umano itong pagkakataon upang magpasalamat sa mga biyaya at paggabay na ibinigay ng Mahal Na Birhen Maria. At maging sila ay umaasa na muling matunghayan ang exhibit sa susunod na taon. Lubos din ang pasasalamat ng mga Ibaeno sa mga kabataan na bumubuo ng Joseph Marello Youth na nag-organisa ng Marian Exhibit.
Natapos ang nasabing exhibit kinahapunan noong araw ding iyon. At bago pa man ibalik ang imahe, muli itong binasbasan ni Fr. Rex Alday. Ang imahe naman ng Mahal Na Birhen Ng Manaog ay dinala sa loob na simbahan upang matunghayan na mas nakararami.
More photos 1
More photos 2.
More photos 3.
More photos 4.
More photos 5.
More photos 6.
More photos 7.
More photos 8.
More photos 9.
No comments:
Post a Comment