Thursday, July 14, 2011

Pagsisiyam Para Sa Karangalan Ni Poon Santiago Apostol

Ang Banal na tagapag-bantay ng Ibaan,
Mahal Na Poon Santiago Apostol.
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Kapistahan ni Poon Santiago Apostol, magkakaroon ng nobena sa Simbahan para sa kanyang karangalan. Sa bawat araw simula Hulyo 16 hanggan Hulyo 24, binigyan ng turno o pagkakataon ang lahat ng mga barangay at iba’t ibang samahan na maging bahagi ng pagsisiyam.

Ang nobena ay gaganapin tuwing ika-apat ng hapon (4:00pm), sa mga araw ng Miyerkules, Sabado at Linggo. Ika-apat at kalahati naman (4:30pm) tuwing Lunes, Martes, Huwebes at Biyernes. Ito naman ay susundan ng Banal Na Misa sa ganap na ika-lima ng hapon (5:00pm).

At sa Araw Ng Kapistahan, Hulyo 25, magkakaroon ng misa sa umaga sa mga oras na 5:00am, 6:15am at 7:30am. Isang Misa Konselebrada naman ang ipagdiriwang sa ganap na ika-siyam at kalahati ng umaga (9:30am).

Pagkatapos ng nasabingmga misa, bubuksan pa rina ng pintuan ng Simbahan para sa mga magpapabinyag. At sa hapon, katulad ng tradisyon ng Parokya Ni Santiago Apostol, isang prusisyon na may malaking pagbabago ang isasagawa para pa rin sa Kanyang karangalan.

Saint James The Greater Parish
Ibaan, Batangas.
Narito ang schedule ng may turno para sa pagsisiyam sa karangalan ni Poon Santiago Apostol.

Hulyo 16, Sabado
Coliat I and II, Bungahan, Quilo Ilaya and Ibaba, CCD, Knights of St. Joseph, Ibaan Market Vendors Association at Poblacion Centro.

Hulyo 17, Linggo
Lapulapu, Malainin, Salaban 1 & 2, Legion of Maryy, NEO, Usherettes/Marshalls Guild, at Poblacion – Masaya.

Hulyo 18, Lunes
Catandala, Mabalor, Panghayaan I & II, Apostolate ng Panalangin, Ibaan Municipal Officials and Employee, Poblacion – Lucban, at PNP-Ibaan.

Hulyo 19, Martes
Dayapan, Lucsuhin East & West, St. James Village, DJAPMNHS-Students, Faculty and Staff, Lipa Bank, Marellos Altar Knights and Marelletes,  at Poblacion-Rotonda.

Hulyo 20, Miyerkules
San Agustin, Sta. Margarita, Munting Tubig, Bulsukan, Burol, Bangko Kabayan, El Shaddae, at Poblacion-Ibaba.

Hulyo 21, Huwebes
Balanga, Tulay, Palindan, St. James Academy, Utility Bank, JMY, Our Lady of Grace School-Students, Faculty, and Staff,  Poblacion-Buklod at Charismatic.

Bahagi ng paghahanda para sa Kapistahan, ginawang makulay
ang Patio ni Poon Santiago Apostol sa pamamagitan ng banderitas.
Hulyo 22, Biyernes
Sandalan, Pangao East & West, Matala, M.E., Ibaan Lending Investors, Ibaan Central School-Student, Faculty and Staff, at at Poblacion-Pag-asa.

Hulyo 23, Sabado
Don Pedro Village, Talaibon, Calamias, Lectors and Commentators Guild, Lay Ministers, St. James Hospital at PREX.

Hulyo 24, Linggo
Bago-Bungad, Salong Centro, Ibaba, Sto. Nino-Bungad, Pulo, Centro, Guadalupe, Queen Mary Hospital at CFC/SFC.

Ang programang ito ay inihanda ni Gng. Lita M. Guico ng Parish Liturgical Committee at Gng. Nelia Alcantara, CWL President. Sinang-ayunan naman ito nina Rev. Fr. Ed A. Bayani, OSJ (Parochial Vicar) at Rev. Fr. Rex P. Alday (Parochial Vicar).


Photos courtesy of Taga Ibaan Ako.